Thursday, September 4, 2008

Paynale!!!!

Haaaaay sarap ng may enternet sa apple ko!!!!!...'di na ko kinakabahan na ma-virus...
Nagsimula kasi ang aking kalbaryo ng isang araw mga magdadalawang buwan na ang nakalipas ay bigla na lang nawala ang koneksyon ko sa mac. Walang kaabog-abog na nawala. So akala ko babalik kinabukasan pero 3 araw na ang lumipas e wala pa rin. nireklamo ko na sa globelines. inabot ng ilang araw din bago napuntahan kaso di nila kayang gawin. Sabi ng tech babalik daw sya at 'di raw sya marunong sa mac. Tapos mukha yatang nakalimutan na kasi mahigit 8 araw na ng maalala nila akong tawagan upang ipaalam sa akin na wala daw problem sa kanilang side kundi sa akin comp na apple. Binaklas ko ang unit at dinala kay ynzal. voila!!!! walang sira... gumana agad. so para makatiyak, nag subok din akong gamitin ang macbook at ayaw din gumana. parang di ko yata matanggap ang kababalaghang ito. so nanghiram ako ng macbookpro at ayaw din....at dito na po nagka letche-letche ang email at enternet ko. halos araw-araw ay tinatawagan ko sila at ang parating sagot ay mac ang problema.grrrrr. 'di ko 'to matanggap. untill sa kakahanap ko ng kasagutan ay may napatawag na tech nila at tinatanong kung ok ba aqng globelines ko. dito na ako naki-usap na kung pwede ay pasyalan nila at malaman ang problema.Agad naman syang dumating at 3 pa niyang kasama. ang hatol: mac ko ang sira...grrrrrrr!!!!!!so sabi ko bat di na lang ganito gawin natin.punta tayo sa kapihan at pag gumana laptop ko dun ng wala akong gagalawin ay ililibre ko sila ng kahit anong order at pag hindi pa rin ay ako naman ang magbabayad or magdala cila ng mac dito. kung gumana hahalikan ko sila at pag hindi ay ayusin nila ang kung 'di ay pag-uumbagin ko silaaaaaa!!!! di naman kumagat ... so sabi ko alisin mo na ang wifi ko basta gumana lang.after 1hr.gumana na ito kaso wired nga lang .
kaya ito masaya na naman ako. sana di na galit mga friends ko. kakahiya talaga sa kanila.. 
at dito na yata magtatapos ang kwento ko o yung account ko na lang sa kanila ang tatapusin ko..... Hehehehehehehehahahahakkkkk

No comments: